what do you thing about my blog?

Thursday, 7 November 2013

Naranasan mo nabang maging tulad ni POPOY ? (Repost from tumblr)



  • Isang popoy na nagmahal ng sobra, na binigay lahat lahat lahat ng kaya mong ibigay, na binuhos ang lahat para sakanya at plinano mo na ang future mo kasama siya pero iniwan ka padin niya.
  • Yung popoy na walang ginusto kundi ung makakabuti para sayo, yung ikaw yung prioridad pero hindi niya nakita yun
  • Nung iniwan ka niya nasira ang buhay mo. araw araw ka kung magyaya ng inuman, at inistalk ang basha ng buhay mo.,
  • Nagpakatanga para sakanya, sinabi mo na din “kapag nahospital ako, kapag nalaman niya na may sakit ako baka sakaling magalalala siya at puntahan at kausapin na niya ko”
  •  Lahat na ng lugar at bagay siya naaalala mo at bigla ka nalang maiiyak.
  • Gusto mo siyang makausap pero pinaparamdam niya sayo na hindi kana tlaga niya gusto na parang binalewala na niya lahat ng pinagdaan niyo.
  • Nawalan ka na ng gana sa buhay mo, gusto mo lang magkulong sa kwarto wala kang pakelam sa lahat ng bagay maliban lang pag yung mahal mo na ang nabangit at pinagusapan.
Bakit iniwan ang isang tulad ni popoy ? iniwan kasi overprotective at masyado mo siyang minahal, Sabi nga nila lahat ng sobra ay mali. Hindi na sure sa nararamdaman niya dahil masyado mo pinaramdam na siya ang kaligayahan mo at saknya mo gusto igugol ang oras at panahon mo, Masyado naging attached, kaya lahat na pinagselosan. kaya siguro nagsawa na siya,nasasakal siya. Mali ba talaga maging isang popoy pagdating sa pagibig?

Monday, 28 October 2013

Frustratingg

you know what's hard? knowing that you gave everything single thing to the person you truly love and at the end, you would take all the blame. in the end, you were the one who didn't do everything, you were the bad guy, and everything would be all your fault.

Sa sobrang dami niyang sinumbat sakin may mga bagay na sobra akong nasaktan na hanggang ngayon dala dala ko. yun ay yung sinabi niya na I was never there for her. Akala ko kasi, akala ko ginawa ko lahat lahat. just to be with her, so that she wouldn't feel alone. I sacrificed everything, I rejected each and one of my friends just to be with her, lahat ginawa ko masamahan lang siya, hindi ako papasok ng klase ko fine. basta makasama ko lang siya. on the way na ko sa lakad ko pag nagtxt siya na gusto niya ko makasama fine I'll cancel it just to be with her. just for her to feel that I'm right beside her. that I will never ever feel that she's alone in this relationship. Ganun ko siya kamahal, na lahat gagawin ko makasama lang siya. Gusto ko siyang sumbatan gusto kong isumbat sakanya lahat ng ginawa ko pero hindi eh mali pa din kasi ginusto kong gawin yung mga gnawa ko para sakanya. Gusto ko isigaw sakanya na Ikaw! oo ikaw ang wala sa tabi ko sa tuwing kailangan kita! ikaw yung laging busy sa mga kaibigan mo pag gusto kitang kasama! tapos sasabihin mo ako yung wala sa tabi mo ?! ako pa yung di nakakaintindi sayo! This is really frustrating. as much as possible ayoko magalit habang ginawa ko tong blog na to. Akala ko kasi nagawa ko na lahat eh akala ko sapat na yung binigay ko. Simula't sapul kahit ginawa niya kong option, nung hindi na siya binalikan nung ex niya andun ako ulit para sakanya. enough with the past ayoko na alalahanin lahat, and it doesn't even matter anyway. I feel like shit you know? I've been feeling like shit for almost 7 months. Everything's falling apart in my life. feeling ko wala akong ginawang tama. I feel like shit kasi hindi ko pala napatunayan yung sarili ko na mas better ako sa isang tao, na mas deserving ako, na kaya ko siyang mahalin higit sa gnawa nung ex niya. pero at the end, I ended up with nothing, at the end ako pa din yung nagkulang, at the end ako pa din yung masama. tapos ngayon eto, eto ako pinapanuod siya maging masaya sa ibang tao. kay Gwenn na pinagselosan ko dati yung bngyan niya ng red velvet and FTW yung selos na yun yung naging dahilan kung bakit hndi na siya nag effort sakin. and that was before our 4th month. tapos si nicole, na pinagselosan ko kasi sobrang protective siya sakanya ngayon hay. :( and lastly yung ex niya ni hindi ko mabanggit yung pangalan niya. na dati natatakot lang ako na baka maging okay sila at makalimutan niya ko ngayon, siya na yung inaalagaan, pinapasaya, at nkkasama ng taong minahal ko ng sobra. siya yung tao na sinusubukan kong mahigitan sa buhay niya, pero nabigo ako. Yung labang sinimulan ko more than a year ago, yung taong pinaglaban ko sa buong mundo, yung taong pinaglaban ko kahit na sa sarili ko. ay isa sa mga taong nasa likod ng pagkatalo ko. (wow that was very poetic lol) Natalo ako, sa laban na akala ko kayang kong ipanalo kahit dumating sa puntong ako nalang yung lumalaban.Tinanggap ko eh, lahat lahat lahat ng masasakit na sinabi sakin ng bestfriend niya? ng mga kaibigan niya? lahat yun tinanggap ko, binaliwala ko, at kahit papano sinusubukan kong tanggapin lahat ng sakit na natanggap ko mula sakanya, sa nag iisang tao na AKALA ko hinding hindi ako magagawang husgahan, mula dun sa nag iisang tao na akala ko kaya kong ipaglaban. kaya ako nahihirapan ng ganito. Kasi umasa ko eh. Maaring sabihin niya na never akong naniwala. Pero naniwala ako dun sa taong nakilala ko. Nagkamali ba ko? simula pa lang naman alam kong mali na eh, pero it was the sweetest mistake I've ever committed. but I guess the feeling was never mutual. Sabi nila paano ko nakakaya? Na kahit ilang beses ko marinig na never niyang masusuklian yung pagmamahal na bnbgay ko sakanya, andun pa din ako sa tuwing mag ttxt siya, sa tuwing ipaparamdam niya sakin yung pag mmhal niya. bumabalik ako saknya. sa mga kamay niya. sumusuko pa din ako sa pagkalinga niya. Na kahit anong sakit isasangtabi ko para lang hndi siya mawala. Minsan naiisip ko naaalala pa kaya nya yun? yung mga bagay na ginawa ko para sakanya.yung kahit grabe na yung kasalanan andun padin ako maaring may msbi akong mga bagay na dala ng emosyon ko noon pero andun pa din ako para sakanya para tanggapin siya para mahalin siya. Naiisip ko kung naaalala niya ba lahat ng yun o mas nananaig yung kasalanan ko ang lahat lahat. Simula nung break up na yun feeling ko wala na kong gnawang mabuti, feeling ko napakasama kong tao. Feeling ko I deserve all the pain I'm feeling right now. Akala ko kasi eh akala ko nabgay ko lahat, akala ko nasatisfy ko siya. I could still feel pain. and most especially frustration. I have conquered alot of things for her, kahit alam mo yun, kahit hndi niya alam kahit hndi niya nakikita kasi ganun ko siya kamahal eh. tapos sa bandang huli ako yung kakamuhian niya, ako yung masamang tao, ako yung makapal ang muka. For almost 7 months I've been struggling with this pain, some might know that I'm in pain but no one will ever know what it feels like. I've been judged, because of this pain. Ako pa nga yung masama kapag nagsasabi ako. I just don't know what to do anymore. There might be an easy way, but I chose to suffer. why? because if this means I could prove to her that I keep my promises it'll be better off this way. Pero ganun pa din pala. masama pa din pala ko. She even pushed me to give her up to give everything up. kasi hindi na niya ko mahal kasi hindi na siya babalik, I really thought may mas sasakit pa sa pagkasabi niya na ay iba na siyang mahal. mas masakit pala yung marinig mula sa taong mahal mo ng sobra na hndi ka na niya mahal at hndi na siya babalik sayo. Nagtataka na nga din ako kung pano ko nasusurvive ang isang araw eh.

Alam kong ako lang nakakaintndi sa sakit na nararamdaman ko, hindi ko naman hiniling na intndhn niyo eh. pero sana sa mga makakabasa nito kung wala kayong magandang sasabihin tumahimik nalang kayo. It would be much better. I'veheard enough judgments kotang kota na nga ako. Toodles.

xo,
Kimy

Monday, 14 October 2013

Akala..

alam mo yung feeling na ano, na mahal mo pa siya. galit na galit ka pa sakanya nung di pa kayo nag uusap kasi ginanto ka niya kasi ginanyan ka niya, kasi wala siya nung mga panahong kailangan mo siya kasi nkalimutan ka niya agad, kasi hndi ka na niya mahal kasi ganto kasi ganyan. inaassume mo pa nga na may bago na yun may iba na yung mahal hndi na babalik yun. hanggang sa isang araw nagparamdam ulet siya tapos wala pa siyang sinasabi napatawad mo na siya agad, wala pa siyang ginagawa, wala na agad yung galit mo. wala pang nangyayari okay kn. Tapos nag lakas loob kang kamustahin siya kahit alam mo na yung sagot na okay siya, na okay na siya kahit wala ka, na masaya na siya, na nakapag move on na siya. tinanong ka nung kaibigan mo kung bakit kailangan mo pa malaman yun, eh dati naman naipamuka at naiparamdam na niya sayo yun? sabi mo lang siguro kasi pag saknya nanggaling yun yung way para makawala ako, mapalaya at mapush ako. baka pag sakanya nanggaling matauhan na ko. tapos naglakas loob ka pang itanong sakanya kung may iba na ba siya tapos nakuha mo na yung sagot na nakapag paguho sa mundo mo na meron na nga siyang bago, nung nalaman mo yun para bang tumigil yung puso mo, para bang nawala yung paghinga mo, parang andun lang andun lang yung sakit hndi nawawala hndi lumalabas hindi nababawasan. at wala ka ng ibang nagawa kundi sabihin sakanya na masaya ka para sakanya samantalang ikaw eto miserable p din gabi gabi pa din umiiyak at nasasaktan, samantalang ikaw hanggang ngayon hndi mo pa din magawang mag move on at magmahal ng iba samantalang ang dami dami ng gusto mahalin at pasayahin ka kasi alam mo sa sarili mo na hanggang ngayon siya pa din, hanggang ngayon mahal mo pa din siya hanggang ngayon masakit pa din. pero hndi na dapat kailangan ko ng maging matatag, kahit ang sakit sakit pa din. kinailangan mo pa mag sinungaling na nakapag move on ka na kasi ayaw mong makasira sakanila. na masaya kasi masaya na siya, na okay ka na kasi okay na siya. sabi nila time heals all wounds, pero bakit eto 6months na pero ganun pa din yung sakit? pero bakit di pa din nawawala? akala ko okay na ko, akala ko hindi ko na siya mahal, akala ko galit na galit pa ko sakanya, akala ko kapag nag usap kami wala na, akala ko kaya kong hndi umiyak, akala ko kahit makita ko yung tweets niya para sa taong mahal niya hindi na ko masasaktan pero bakit hanggang ngayon umiiyak ako? bakit hanggang ngayon ang sakit sakit? may karapatan naman siya maging masaya eh pero bakit ako parang wala?  ang sakit sakit pa din eh, kasi putang ina hanggang ngayon mahal na mahal ko pa din siya :( pero ako, ako, parte nalang ng nakaraan niya. ako, na dating mahal na mahal niya eh wala nalang sakanya ngayon kasi may iba na siyang mahal, may iba na siyang gusto, ang sakit eh ang sakit sakit sobrang sakit. sabi nga nila pag mahal mo yung isang tao you have to set them free. kailangan suportahan mo sila kung saan sila masaya kahit hindi sayo yun. kahit hindi na ikaw yung nakakapag pasaya sakanya. magiging okay din ako. magiging masaya din ako. hindi man ngayon pero alam ko sa takdang panahon. :(

Friday, 14 June 2013

I Don't know anymore..

hindi ko maexplain yung sakit na nararamdaman ko, I feel so alone and helpless. kakaiba yung sakit parang hindi nababawasan. ang sakit sakit sobra. yung tipong eto nanaman ako tulala. yung tipong ramdam na ramdam ko na one-sided love nalang talaga to. paano ako makakawala? paano ako makakabitaw? paano? hindi ko alam, saan ko ba sisimulan. Yung ako nalang talaga nakakaintindi sa sakit na nararamdaman ko. ang hirap kasi kahit ilang milyong beses ko iiyak sakanya wala pa din siyang pakielam. yung taong mahal na mahal mo at pinapahalagahan mo ng sobra sasabihin sayo na mas masaya siya ng single siya yung tipong parang utang na loob ko pa ngayon o kasalanan ko pa kung bakit hindi na niya kinakausap yung ex niya. ang sakit sakit lang talaga :( yung parang pinipilit ko yung sarili ko sakaniya. kulang nalang mag makaawa ako na mahalin mo naman ako ulet :( ako nalang ulet :( wag ka naman na tumingin sa iba oh :( yung ganun, na sa araw araw nalang na ginawa ng Diyos ramdaman na ramdam kong hindi na niya ko kailangan at wala na kong halaga sakanya ramdam na ramdam ko talaga walang palya. ang hirap ang hirap hirap maramdaman yun sa tong mahal na mahal mo ng sobra, mahal na mahal mo kahit tratuhin ka ng parang basura, mahal na mahal mo kahit masakit magsalita, mahal na mahal mo kahit alam mong niloloko ka na, mahal na mahal mo kahit grabe mag sinungaling at mag lihim sayo, mahal na mahal mo kahit alam mo na sa maikling panahon lang eh kayang kaya ka niyang ipag palit. tapos sasabihin niya na ako yung sumusuko. shet wala siyang karapatan sabihin yun kasi kung sumuko ako odi sana matagal na kong wala odi sana nung una pa lang na naramdaman kong ako nalang yung lumalaban eh sumuko na ko. bakit ganun? bakit ako pa din yung masama? bakit mas pinipili niya yung sasabihin ng mga kaibigan niya kesa sakin? bakit ganun? sasabihin niyang mahal na mahal niya ko pero pinipigilan niya yung sarili niya kasi natatakot na siyang mahalin ako. bakit ako? takot na takot na takot ako umpisa pa lang pero binabaliwala ko yun kasi ayaw ko siyang mawala :(( ang unfair ng buhay, ang unfair kasi gnito yung nangyayari ang unfair kasi ang sakit sakit na pero di ko magawang bumitaw. kelan mo ba makikita yung halaga ko? kung kelan iba na yung nag papahalaga sakin? :(

Saturday, 1 June 2013

Reminiscing && Excruciating Pain..

  andto ako sa sitwasyon ngayon kung saan, sobrang lungkot ko at parang ang daming kulang. yung tipong siya yung hinahanap-hanap ko, siya yung kailangan ko, siya yung iniisip ko. yung feeling na wala kang karamay tapos wala ka pang magawa parang alam mo yun mababaliw ka na sa kakaisipkung ano yung gagawin mo para lang hindi siya maisip kasibigla bigla ka nalang natutulala naaalala mo siya, lahat lahat wala talaga kaming communication ngayon kasi nagpalit ako ng number, tapos nka-unfriend siya sakin. ewan alam mo yun yung feeling na siya masayang masaya ng wala ka tapos ikaw eto nababaliw kakaisip kung okay ba siya o kung ano man. yung nag papaulit ulit sa utak mo yung mga nakapost sa fb niya, yung mga sinabi niya, and at the same time yung mga masasakit na gnawa niya sayo then all of a sudden makikita mo nalang na nakatulala yung sarili mo sasobrang sakit. yung feeling na parang walang nag mamahal sayo at parang walang nakakaintindi sayo. ang sakit lang kasi sa tuwing may lalambing sakin iniisip ko lagi sana siya nalang yun or worse pag naiisip kong may kasama ko sa mga darating na panahon sa buhay ko siya yung naiimagine kong kasama ko. ang hirap mag pretend na matatag ako kahit wala siya pero ang totoo eto nadudurog ako unti-unti nasasaktan, nalulumbay, nalulungkot at nagagalit. iniisip ko baka nga kasalanan ko, kasalanan ko kasi dumating sa point na nabaliwala ko siya, kasalanan ko kasi nasaktan ko siya, kasalanan ko kasi ako yung dahilan kung bakit siya nagbago. pero eto nanaman ako hindi ko nanaman iniisip yung sarili ko,pero come to think of it, nung inisip ko yung sarili ko nawala siya, pero bakit parang unfair kasi sa tuwing iniisip niya yung sarili niya hindi naman ako nawala? sa tuwing sinasaktan at binabaliwala niya ko hindi naman ako nawala? ewan ko, hindi ko alam. hindi ko na alam iisipin ko, hindi ko alam kung kasalanan ko ba o kung kasalanan pa din niya eh. ewan ko naguguluhan ako. kaya dn kasi dumating sa point na nabaliwala ko siya kasi alam mo yun, lagi niya kong bnabaliwala dte, lge niya kong tnatake for granted, lagi niya kong napagsasalitaan ng masakit, lagi na siyang nagsisinungaling, hindi niya ko na-aappreciate,iniiwan niya ko somewhere kapag naiinis or nagagalit siya sakin. pinaramdam niyang option o second choice lang ako, hindi na siya nag eeffort, yung parang tnetext niya lang ako kpag bored siya. dumating sa point na hindi na niya naparamdam na mahalaga ko or even mahal niya ko. yung parang hindi na siya proud sakin sa una lang siya sweet. yung pinaka hindi ko malilimutan yung pinalitan niya yung pangalan ng ex niya sa phone nya gnawa niyang pangalan  ng lalake for the sake lang na mkatext niya yun, ilang beses na niyang pinagtakpan yung ex niya para lang makatext niya, and at that very moment naramdaman kong kulang talaga ko na mas naiintindihan ngasiya nung ex niya, sinabi na niya sakin yun eh na mas naiintindihan siya nung ex niya ang sakit sakit na wala siyang gnawa para makabawi dun instead inulit niya pa ng madameng beses. hindi ko alam kung nagbago siya o mas nakilala ko lang siya pero sguro mas nakilala ko lang siya. dumating dn sa point na parang baliwala nalang sakanya yung mga special na araw dpat para samin. ang sakit kasi hanggang sa huli feeling ko one sided love lang yung nangyri :(( yung sakit na nararamdaman ko ngayon grabe hindi ko alam pero hindi ko kasi alam pano ko ilalabas lahat ng sama ng loob at galit ko eh, hindi ko alam kung ako ba talaga yung may kasalanan o siya o ewan. kasi alam mo yun parang ngayon sobrang okay siya kahit wala ako. ang sakit sakit pa din, yung tipong hindi ko alam kung paano ko papawalain yung sakit. I feel useless kasi parang sinasabi niya na wala akong ginawa sa buong relasyon namin na wala akong effort na ginawa, yung hanggang sa huli hindi siya naniniwalang mahal ko siya. bakit ganun? bakit ganyan siya? ang sakit gusto kong sumigaw sa sobrang sakit gusto kong magkulong nalang dito sa kwarto ko umiyak ng umiyak sa sobrang bigat ng pakiramdam ko sa sobrang walang madadamayan. gusto ko ifast forward lahat sa time na nakapag move on na ko kasi swear hirap na hirap na ko yung feeling nagusto ko ng ma-comatose para lang mkapag pahinga para lang makita kung mahalaga pa ba ko sakanya yung feeling na gusto ko ng magpakamatay. :(( God help me please :(

Friday, 31 May 2013

Still..

 Hi Baby, :( kamusta ka na? halos isang buwan na tayong wala :( at dalawang lingoo ng hindi nag uusap. Kamusta ka na? okay ka lang ba kahit wala ako? Kumakaen ka ba ng maayos? Baka nagpapatuyo ka ng pawis. Alagaan mo sarili mo ha? Alam mo ba baby ko, miss na miss na kita, hindi pa din kita nkakalimutan, naaalala ko pa din yung mga ginagawa natin yung mga sinasabi mo. Pero alam mo, galit kasi ko sayo eh galit na galit pa din ako, natatakot ako na baka magkasakitan ulit tayo. Bhie love mo pa ba ko? Kasi ako oo love na love pa din kita. :( dati sabi mo sakin, kahit ano mangyari kahit hindi na tayo mamahalin mo pa din ako dba? Sabi mo hindi ka maghahanap ng iba? Baby alam mo ba sobrang kulangng araw ko pag di mo ko kinukulit. Nagpapapansin na nga lang ako kila odri at bianca eh baka sakaling binabalita nila sayo mga post ko. Bhie nakapag move on ka na ba? Ako kasi hindi pa. bhie alam mo ba bago na yung kwarto ko tapos pininturahan namin ng pink :) pagod ako ngayon eh galing ako mendiola kasama ko yung pinsan ko, bhie nag yosi po ako, sorry :( tsaka late ako umuwi :( sorry. Bhie may paki ka pa ba? Namimiss ko na pag nagagalit ka sakin kasi pasaway ako, namimiss ko na yung boses mo at pagtawag mo sakin ng mhie,baby,bhie,babe. Sino na ba yung tinatawag mo nun ngayon? May bago ka na bhie? Kala ko ba wala ka nghahanapin na better kasi ako na yung best mo? Akala mo nalang ba yun? Bhie sabihin mo wag ka niya pabayaan ha? Sabihin mo alagaan ka niya, lagi ka niyang paalalahanan kasi makakalimutin ka masyado, bhie sabihin mo magtiwala siya sayo ha? Sabihin mo wag siya magduda at magselos para hindi ka masakal para hindi ka mahirapan. Bhie sabihin mo pasayahin ka niya lagi, tapos wag ka niya pigilan sa mga kaibigan mo. Bhie sabihin mo wag ka niya aawayin lagi ha? Sabihin mo mahalin ka niya at wag ka niya hayaang mag isa. Sabihin mo lagisiyangmakinigsayo pati sa mga problema mo sa bahay niyo. Bhie alagaan mo siya ha? Sguro naman mamahalin ka niya, wag kang magsisinungaling sakanya para magtiwala lang siya sayo. Wag mo siya lolokohin ha? Wag mo siya awayin lagi, alagaanmo siya ng mabuti. Bhie mahalin niyo ang isa't isa ha? Magpakatatag kayo. Dba magiging better ka na? bhie wag ka maglilihim sknya ha? Make sure that she knows everything para alam niyang pinagkakatiwalaan mo din siya. Wag ka mapapagod sakanya ha? Mahalin mo siya ng buong puso. Wag mo kalimutan na iparamdam sakanya kung gano mo siya kamahal at kung gaano siya kaimportante sayo para hndi siya mawala. Sana magustuhan siya ng mga kaibigan mo para sayo. Sorry sa pagkukulang ko sabihin mo sana mapunuan niya lahat ng pagkukulang ka, sabihin mo i-appreciate nya lahat ng effort mo at makuntento sya sa kung anong meron ka at kaya mong ibigay sakanya sabihin mo wag siyang mapride ha? Lagi mong ipaalala na sabihin at iparamdam niya sayo kung gano ka niya kamahal. Pakabait ka na bhie ha? Hindi pa ko ready eh, na makita ka, na makita kayo. Kasi bhie mahal na mahal pa din kita eh. Pero alam mo natatakot akong sabihin yan sayo kasi baka ang isagot mo ulitna nakakalimutan ko ndn naman yuneh. Pero bhie nagkakamali ka hnding hndi ko makakalimutan yun kasi ganun kita kamahal, hindi ko man kaya, magiging masaya ko para sainyo, para sayo. Your friends hate me, you hate me wala ganun talaga eh, masakit pa din ng sobra sobra oo mabigat sa pakiramdam pero ganun talaga eh hilingin ko man na majustify yung sakit na nararamdaman ko ayaw pa din eh. Mahal na mahal pa din kita daddy :( sobra pa sa sobra pero ganun talaga eh dba? Sometimes two people need to break up in order for them to grow up? I miss you a lot kaya nga ako nagiging better eh para sayo, pero wala namang assurance na pag nakita mo ko mahalin mo ko ulit eh. Wala ding assurance na kapag nakita mo ko mawawala na yung galit mo. Unfair naman eh bakit ako bawal magalit? Pero kailangan ko ng tanggapin to dba? Kailangan ko na maging matatag, para mahalin ko naman yung sarili ko. I feel so alone baby kasi wala ka :( sanay kasi kong mabuhay sa tabi mo eh. Bakit ganyan ka? Bakit ang hirap hirap mong kalimutan? And at the same time ang hirap hirapmo din mahalin? Iniisip mo pa ba ko? Namimiss mo din kaya ako? Mahal mo pa din kaya ako? For once, stand up for me. Tanggapin mo namang mali ka :( sabi ng ni Bianca babalik ka at hindi ka maghahanap ng iba kung mahal mo talaga ko, ang tagal mo naman eh =(((((( miss na miss na kita mahalin mo na ko ulit :(( pero tama na tama na to dba? Tama na hindi na ko magpapakatanga ulit :(( mahal na mahal kita pero ang sakit sakit na pero ewan hindi ko alam baby hindi ko alam :( I miss you a lot. I love you so much. :((

Sunday, 19 May 2013

Day 1 (May 17,2013)

Hi, its been a while since I wrote some stuffs like this. Well I think its because I'm having a lot of thoughts lately, making me feel really depress and stuff. I don't know I'm starting to cry again every night. Last night I've finished reading the book I borrowed from Anabelle, it was around 11:50 p.m and I can't sleep. I remembered that in my phone I recorded your voice while you were singing for me before I go to sleep I thought it will help me sleep but I guess I was wrong. I was reading the letter you've gave me during July 2012 and our 5th month. I was on the first line when my tears started to fall, I don't know why all I thought was if I ever read those letters you gave me again I wouldn't feel anything at all thinking that all the things that you've said and written there was lies and its like you're saying stuff that you know I wanted to hear to make me feel good, but honestly I don't know what to think anymore while I was reading it suddenly my brother went inside my room  I covered my face with my pillow and turned my back so he won't see me crying lol. but he didn't left, instead he lay down beside me rubbing my back, comforting me while saying "everything will be alright Kim, maybe not today but someday" and after a while when he thought that I was already asleep he kissed me goodnight and switch off the light. I realized that no matter how much I've tried to avoid myself thinking of you/of us or how many of my friends would come over everyday just to be with me just to help me move on, at the end of the day when I'm all by myself I know that you're still the one I want in my life, how much I miss you, how much I miss the way you get mad because I'm staying out too late, how much you cuddle me every night  before I go to sleep, how you tell me how much you love me. But everything changed, everything except my feelings for you. I even used my sun, hoping that you would call me or even send me a message saying goodnight or how much you miss me. Sometimes I wonder if you ever think of me, or you've already chosen the life without having me. I know I did things to hurt you, or to made you feel this way, but believe me it was never my intention to do such. I was so hurt and I had enough of how you treated me when I was still madly in love with you. That's the reason why I became like this, stone-hearted. I've never imagined being like this, but I would take all the blame just to prove to you how much  regret hurting you to show you again how much I love you. I know deep inside me that there's no one could ever replace you. I was thinking what if you already have someone better that's why you could do this on your own now? But no, enough with those paranoia I just want to focus on myself first. Trying to move on and to be someone better for you. Maybe this is how much I love you, I'm willing to give up my happiness just for you to move on and be happy.

Thursday, 28 February 2013

A letter to an Old Lover

To my Dearest Ex-Lover,

  I know I made a wrong choice leaving you, believe me it's against me, I don't want it either. but baby everything is too much, treating me badly is definitely too much. I thought you would understand why pero nagalit ka eh. Alam kong maling iwan kita, pero alam mo yung feeling na kung hindi ako mawawala hindi mo malalaman yung halaga ko or even kung ano ka pag nawala ako, yung yung naisip ko kaya mas pinili kong umalis selfish ba? oo alam kongsobrang selfish, masama bang maging selfish for once? siguro kasi ngayon nagsisisi ako, akala ko pag ginawa ko yun marrealize mo yung mali mo, akala ko pag ginawa mo yun makikita mo yung halaga ko pati na din yung mga efforts na ginawa ko para sa'yo, baka sakaling tratuhin mo na ko ng tama. Simula nung araw na sinabi mo saking hindi ka na masaya sobrang sakit hindi ko na alam kung ano yung gagawin ko, naisip ko space kasi yun naman talaga yung kailangan sabi mo ayaw mo naging masaya ko dun kasi kahit hindi ka masaya you chose me over your happiness, oo nga't ako pinili mo pero anong nangyari nung mga sumunod na araw? pinaparamdam mo sakin na hindi ka na talaga masaya and that you don't feel the same way for me anymore parang space is the only way para malaman mo talga yung nararamdaman mo para sakin pero nagalit ka sabi mo ako yung may kailangan ng space at baka niloloko kita you even told me na 'lamunin ko yung space ko' etc. believe me hindi para sakin yung space na yun at hindi kita niloko or niloloko, I sacrificed everything, took every risk I could just to be with you and yet eto yung makukuha ko. nung pinigilan mo ko okay na sana eh pero bakit ganun yung approach mo? parang pinapamuka mo padin yung mali ko sorry kung mas pinili kong umalis ha? akala ko kasi sa ganung paraan marrealize mo yung worth ko eh akala ko sa ganung paraan makakapag isip isip ka kung ano ba talaga yung gusto mo kung mananatili pa ba ko sa buhay mo o hindi na ikaw na din naman nag sabi diba? na hindi mo masusuklian yung pagmamahal na binibigay ko sa'yo pero bakit ngayon kinekwestyon mo yung pag mamahal ko sayo? naaalala mo ba nung 1st month? ganun din yung sinabi mo sakin tinulungan kitang mag move on nagpakatanga ko sa'yo kasi mahal na mahal kita hanggang ngayon ba magpapakatanga pa din ako? ayos lang naman eh pero sana maappreciate mo naman ako yung mga ginagawa ko. Ngayon sabi mo sakin hindi mo na ko mapapatawad sa mga ginawa ko sa pag iwan ko sa'yo I'm so sorry =( ang hirap makipag argue sa'yo kasi you're always turning the tables pero ayos lang ganun talaga, I'm sorry ha? kung sa tuwing pinag uusapan natin to wala na kong masabi, ang hirap kasi ipaintindi eh I'm not good at explaining things or even defending myself well that's me. Kaya kong baguhin lahat lahat ng ako para sa'yo para hindi ka masakal etc. sorry ah? for breaking your heart. I'm really sorry =( mahal na mahal kita sobra pa sa sobra pwede bang sa akin ka nalang ulet? =( Let's start all over again. I love you this much.


Yours Truly,
Ex-Girlfriend

Sunday, 24 February 2013

way too much

Have you ever experienced that you're way too much for the person you love? So they ended up leaving you or worse falling out of love from you? 

That is exactly what is happening to me right now, I was way too much for her, too conservative, too possessive, too demanding, and a lot more. it hurts like hell yes, but there's no one to blame. But honestly I do blame myself a lot, I blame myself for being like this and that I just wish I could change eveything about me my personality, my appearance, the way I dress, the way I socialize with people, the way I handle everything, I mean EVERYTHING as in EVERYTHING. why? for her to love me again, to fall in love with me again, to find her way back to me again, to be happy and contented with me again. It's very depressing and frustrating =( I feel like everything about me is wrong. I don't even know when, where and how to start. Oh well that's life. I really do hope I could change ME easily before its too late bago siya matuluyan mawala sakin. hay. life is so unfair why oh why =(

Saturday, 26 January 2013

I miss you.. I miss us

 "Two people need to break up in order for them to grow up"

That's what happened between me and her, I was all over her I already forgot about myself. So the tendencies are, nasakal siya at ang pinaka masakit? hindi na niya ko ganun ka-mahal tulad ng dati. I became too dependent on her, yung parang pag wala siya wala ding ako? I was too busy loving her, pero di ko namamalayang nakakalimutan ko na pala yung sarili ko, sobrang nag focus ako sakanya, at sa kagustuhan kong maging akin lang siya napagdamot ko siya sa mga taong nkapaligid sakanya, nakalimutan ko ndn yung mga taong nasa paligid ko. The pain was too much, sumobra kasi ko eh I know it's all my fault. Kaya yung relasyong iniingatan ko, pinagmamalaki at ipinaglalaban ko unti-unting nawala sakin. lalo na yung taong pinapahalagahan ko ng sobra at minahal ko ng sobra. siguro nga lahat ng sobra masama talaga I was too blind to see it. hindi ko manlang inisip yung mararamdaman niya, yung gusto niya at yung sarili niyang kasiyahan. I was too selfish, kaya nung sinabi niyang napagod at nasasakal na siya I have no choice but to let her go. I gave her, her freedom masyado ko siyang nasakal I held her too tight. and yes, it was all my fault.

Ilang araw palang yung nakakalipas, pero namimiss ko na siya, ang hirap ipagpatuloy yung araw araw mong gawain ng wala siya kasi halot 90% ng araw mo kasama mo siya at 100% ng araw mo kausap mo siya, siya yung kakwentuhan mo, sakanya ka nagsasabi, nagsusumbong at nag rereklamo, nagpapalambing at nagpapa alaga. namimiss ko yung dating kami, yung kulitan lahat. namimiss ko na yung mga corny niyang jokes, yung ngiti at tawang nabibigay ko sakanya. namimiss ko kunga pano niya ko napasaya. She meant everything to me, na-sacrifice ko lahat para sakanya kasi mahal na mahal ko siya eh sobra. pero ayoko na siya mahirapan at masakal, ultimo yung kasiyahan at pagmamahal ko sakaniya nagawa kong isakripisyo maging masaya lang siya. Ganun talaga eh. pag mahal mo, gagawin mo ang lahat maging okay lang siya.

I miss you. I miss us.
I love you this much =(