what do you thing about my blog?
Friday, 31 May 2013
Still..
Hi Baby, :( kamusta
ka na? halos isang buwan na tayong wala :( at dalawang lingoo ng hindi nag
uusap. Kamusta ka na? okay ka lang ba kahit wala ako? Kumakaen ka ba ng maayos?
Baka nagpapatuyo ka ng pawis. Alagaan mo sarili mo ha? Alam mo ba baby ko, miss
na miss na kita, hindi pa din kita nkakalimutan, naaalala ko pa din yung mga
ginagawa natin yung mga sinasabi mo. Pero alam mo, galit kasi ko sayo eh galit
na galit pa din ako, natatakot ako na baka magkasakitan ulit tayo. Bhie love mo
pa ba ko? Kasi ako oo love na love pa din kita. :( dati sabi mo sakin, kahit
ano mangyari kahit hindi na tayo mamahalin mo pa din ako dba? Sabi mo hindi ka
maghahanap ng iba? Baby alam mo ba sobrang kulangng araw ko pag di mo ko
kinukulit. Nagpapapansin na nga lang ako kila odri at bianca eh baka sakaling
binabalita nila sayo mga post ko. Bhie nakapag move on ka na ba? Ako kasi hindi
pa. bhie alam mo ba bago na yung kwarto ko tapos pininturahan namin ng pink :)
pagod ako ngayon eh galing ako mendiola kasama ko yung pinsan ko, bhie nag yosi
po ako, sorry :( tsaka late ako umuwi :( sorry. Bhie may paki ka pa ba?
Namimiss ko na pag nagagalit ka sakin kasi pasaway ako, namimiss ko na yung
boses mo at pagtawag mo sakin ng mhie,baby,bhie,babe. Sino na ba yung tinatawag
mo nun ngayon? May bago ka na bhie? Kala ko ba wala ka nghahanapin na better
kasi ako na yung best mo? Akala mo nalang ba yun? Bhie sabihin mo wag ka niya
pabayaan ha? Sabihin mo alagaan ka niya, lagi ka niyang paalalahanan kasi
makakalimutin ka masyado, bhie sabihin mo magtiwala siya sayo ha? Sabihin mo
wag siya magduda at magselos para hindi ka masakal para hindi ka mahirapan.
Bhie sabihin mo pasayahin ka niya lagi, tapos wag ka niya pigilan sa mga
kaibigan mo. Bhie sabihin mo wag ka niya aawayin lagi ha? Sabihin mo mahalin ka
niya at wag ka niya hayaang mag isa. Sabihin mo lagisiyangmakinigsayo pati sa
mga problema mo sa bahay niyo. Bhie alagaan mo siya ha? Sguro naman mamahalin
ka niya, wag kang magsisinungaling sakanya para magtiwala lang siya sayo. Wag
mo siya lolokohin ha? Wag mo siya awayin lagi, alagaanmo siya ng mabuti. Bhie
mahalin niyo ang isa't isa ha? Magpakatatag kayo. Dba magiging better ka na?
bhie wag ka maglilihim sknya ha? Make sure that she knows everything para alam
niyang pinagkakatiwalaan mo din siya. Wag ka mapapagod sakanya ha? Mahalin mo
siya ng buong puso. Wag mo kalimutan na iparamdam sakanya kung gano mo siya
kamahal at kung gaano siya kaimportante sayo para hndi siya mawala. Sana
magustuhan siya ng mga kaibigan mo para sayo. Sorry sa pagkukulang ko sabihin
mo sana mapunuan niya lahat ng pagkukulang ka, sabihin mo i-appreciate nya
lahat ng effort mo at makuntento sya sa kung anong meron ka at kaya mong ibigay
sakanya sabihin mo wag siyang mapride ha? Lagi mong ipaalala na sabihin at
iparamdam niya sayo kung gano ka niya kamahal. Pakabait ka na bhie ha? Hindi pa
ko ready eh, na makita ka, na makita kayo. Kasi bhie mahal na mahal pa din kita
eh. Pero alam mo natatakot akong sabihin yan sayo kasi baka ang isagot mo
ulitna nakakalimutan ko ndn naman yuneh. Pero bhie nagkakamali ka hnding hndi
ko makakalimutan yun kasi ganun kita kamahal, hindi ko man kaya, magiging
masaya ko para sainyo, para sayo. Your friends hate me, you hate me wala ganun
talaga eh, masakit pa din ng sobra sobra oo mabigat sa pakiramdam pero ganun
talaga eh hilingin ko man na majustify yung sakit na nararamdaman ko ayaw pa
din eh. Mahal na mahal pa din kita daddy :( sobra pa sa sobra pero ganun talaga
eh dba? Sometimes two people need to break up in order for them to grow up? I
miss you a lot kaya nga ako nagiging better eh para sayo, pero wala namang
assurance na pag nakita mo ko mahalin mo ko ulit eh. Wala ding assurance na
kapag nakita mo ko mawawala na yung galit mo. Unfair naman eh bakit ako bawal magalit?
Pero kailangan ko ng tanggapin to dba? Kailangan ko na maging matatag, para
mahalin ko naman yung sarili ko. I feel so alone baby kasi wala ka :( sanay
kasi kong mabuhay sa tabi mo eh. Bakit ganyan ka? Bakit ang hirap hirap mong
kalimutan? And at the same time ang hirap hirapmo din mahalin? Iniisip mo pa ba
ko? Namimiss mo din kaya ako? Mahal mo pa din kaya ako? For once, stand up for
me. Tanggapin mo namang mali ka :( sabi ng ni Bianca babalik ka at hindi ka
maghahanap ng iba kung mahal mo talaga ko, ang tagal mo naman eh =(((((( miss
na miss na kita mahalin mo na ko ulit :(( pero tama na tama na to dba? Tama na
hindi na ko magpapakatanga ulit :(( mahal na mahal kita pero ang sakit sakit na
pero ewan hindi ko alam baby hindi ko alam :( I miss you a lot. I love you so
much. :((
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment