what do you thing about my blog?

Monday, 14 October 2013

Akala..

alam mo yung feeling na ano, na mahal mo pa siya. galit na galit ka pa sakanya nung di pa kayo nag uusap kasi ginanto ka niya kasi ginanyan ka niya, kasi wala siya nung mga panahong kailangan mo siya kasi nkalimutan ka niya agad, kasi hndi ka na niya mahal kasi ganto kasi ganyan. inaassume mo pa nga na may bago na yun may iba na yung mahal hndi na babalik yun. hanggang sa isang araw nagparamdam ulet siya tapos wala pa siyang sinasabi napatawad mo na siya agad, wala pa siyang ginagawa, wala na agad yung galit mo. wala pang nangyayari okay kn. Tapos nag lakas loob kang kamustahin siya kahit alam mo na yung sagot na okay siya, na okay na siya kahit wala ka, na masaya na siya, na nakapag move on na siya. tinanong ka nung kaibigan mo kung bakit kailangan mo pa malaman yun, eh dati naman naipamuka at naiparamdam na niya sayo yun? sabi mo lang siguro kasi pag saknya nanggaling yun yung way para makawala ako, mapalaya at mapush ako. baka pag sakanya nanggaling matauhan na ko. tapos naglakas loob ka pang itanong sakanya kung may iba na ba siya tapos nakuha mo na yung sagot na nakapag paguho sa mundo mo na meron na nga siyang bago, nung nalaman mo yun para bang tumigil yung puso mo, para bang nawala yung paghinga mo, parang andun lang andun lang yung sakit hndi nawawala hndi lumalabas hindi nababawasan. at wala ka ng ibang nagawa kundi sabihin sakanya na masaya ka para sakanya samantalang ikaw eto miserable p din gabi gabi pa din umiiyak at nasasaktan, samantalang ikaw hanggang ngayon hndi mo pa din magawang mag move on at magmahal ng iba samantalang ang dami dami ng gusto mahalin at pasayahin ka kasi alam mo sa sarili mo na hanggang ngayon siya pa din, hanggang ngayon mahal mo pa din siya hanggang ngayon masakit pa din. pero hndi na dapat kailangan ko ng maging matatag, kahit ang sakit sakit pa din. kinailangan mo pa mag sinungaling na nakapag move on ka na kasi ayaw mong makasira sakanila. na masaya kasi masaya na siya, na okay ka na kasi okay na siya. sabi nila time heals all wounds, pero bakit eto 6months na pero ganun pa din yung sakit? pero bakit di pa din nawawala? akala ko okay na ko, akala ko hindi ko na siya mahal, akala ko galit na galit pa ko sakanya, akala ko kapag nag usap kami wala na, akala ko kaya kong hndi umiyak, akala ko kahit makita ko yung tweets niya para sa taong mahal niya hindi na ko masasaktan pero bakit hanggang ngayon umiiyak ako? bakit hanggang ngayon ang sakit sakit? may karapatan naman siya maging masaya eh pero bakit ako parang wala?  ang sakit sakit pa din eh, kasi putang ina hanggang ngayon mahal na mahal ko pa din siya :( pero ako, ako, parte nalang ng nakaraan niya. ako, na dating mahal na mahal niya eh wala nalang sakanya ngayon kasi may iba na siyang mahal, may iba na siyang gusto, ang sakit eh ang sakit sakit sobrang sakit. sabi nga nila pag mahal mo yung isang tao you have to set them free. kailangan suportahan mo sila kung saan sila masaya kahit hindi sayo yun. kahit hindi na ikaw yung nakakapag pasaya sakanya. magiging okay din ako. magiging masaya din ako. hindi man ngayon pero alam ko sa takdang panahon. :(

No comments:

Post a Comment