what do you thing about my blog?

Friday, 14 June 2013

I Don't know anymore..

hindi ko maexplain yung sakit na nararamdaman ko, I feel so alone and helpless. kakaiba yung sakit parang hindi nababawasan. ang sakit sakit sobra. yung tipong eto nanaman ako tulala. yung tipong ramdam na ramdam ko na one-sided love nalang talaga to. paano ako makakawala? paano ako makakabitaw? paano? hindi ko alam, saan ko ba sisimulan. Yung ako nalang talaga nakakaintindi sa sakit na nararamdaman ko. ang hirap kasi kahit ilang milyong beses ko iiyak sakanya wala pa din siyang pakielam. yung taong mahal na mahal mo at pinapahalagahan mo ng sobra sasabihin sayo na mas masaya siya ng single siya yung tipong parang utang na loob ko pa ngayon o kasalanan ko pa kung bakit hindi na niya kinakausap yung ex niya. ang sakit sakit lang talaga :( yung parang pinipilit ko yung sarili ko sakaniya. kulang nalang mag makaawa ako na mahalin mo naman ako ulet :( ako nalang ulet :( wag ka naman na tumingin sa iba oh :( yung ganun, na sa araw araw nalang na ginawa ng Diyos ramdaman na ramdam kong hindi na niya ko kailangan at wala na kong halaga sakanya ramdam na ramdam ko talaga walang palya. ang hirap ang hirap hirap maramdaman yun sa tong mahal na mahal mo ng sobra, mahal na mahal mo kahit tratuhin ka ng parang basura, mahal na mahal mo kahit masakit magsalita, mahal na mahal mo kahit alam mong niloloko ka na, mahal na mahal mo kahit grabe mag sinungaling at mag lihim sayo, mahal na mahal mo kahit alam mo na sa maikling panahon lang eh kayang kaya ka niyang ipag palit. tapos sasabihin niya na ako yung sumusuko. shet wala siyang karapatan sabihin yun kasi kung sumuko ako odi sana matagal na kong wala odi sana nung una pa lang na naramdaman kong ako nalang yung lumalaban eh sumuko na ko. bakit ganun? bakit ako pa din yung masama? bakit mas pinipili niya yung sasabihin ng mga kaibigan niya kesa sakin? bakit ganun? sasabihin niyang mahal na mahal niya ko pero pinipigilan niya yung sarili niya kasi natatakot na siyang mahalin ako. bakit ako? takot na takot na takot ako umpisa pa lang pero binabaliwala ko yun kasi ayaw ko siyang mawala :(( ang unfair ng buhay, ang unfair kasi gnito yung nangyayari ang unfair kasi ang sakit sakit na pero di ko magawang bumitaw. kelan mo ba makikita yung halaga ko? kung kelan iba na yung nag papahalaga sakin? :(

Saturday, 1 June 2013

Reminiscing && Excruciating Pain..

  andto ako sa sitwasyon ngayon kung saan, sobrang lungkot ko at parang ang daming kulang. yung tipong siya yung hinahanap-hanap ko, siya yung kailangan ko, siya yung iniisip ko. yung feeling na wala kang karamay tapos wala ka pang magawa parang alam mo yun mababaliw ka na sa kakaisipkung ano yung gagawin mo para lang hindi siya maisip kasibigla bigla ka nalang natutulala naaalala mo siya, lahat lahat wala talaga kaming communication ngayon kasi nagpalit ako ng number, tapos nka-unfriend siya sakin. ewan alam mo yun yung feeling na siya masayang masaya ng wala ka tapos ikaw eto nababaliw kakaisip kung okay ba siya o kung ano man. yung nag papaulit ulit sa utak mo yung mga nakapost sa fb niya, yung mga sinabi niya, and at the same time yung mga masasakit na gnawa niya sayo then all of a sudden makikita mo nalang na nakatulala yung sarili mo sasobrang sakit. yung feeling na parang walang nag mamahal sayo at parang walang nakakaintindi sayo. ang sakit lang kasi sa tuwing may lalambing sakin iniisip ko lagi sana siya nalang yun or worse pag naiisip kong may kasama ko sa mga darating na panahon sa buhay ko siya yung naiimagine kong kasama ko. ang hirap mag pretend na matatag ako kahit wala siya pero ang totoo eto nadudurog ako unti-unti nasasaktan, nalulumbay, nalulungkot at nagagalit. iniisip ko baka nga kasalanan ko, kasalanan ko kasi dumating sa point na nabaliwala ko siya, kasalanan ko kasi nasaktan ko siya, kasalanan ko kasi ako yung dahilan kung bakit siya nagbago. pero eto nanaman ako hindi ko nanaman iniisip yung sarili ko,pero come to think of it, nung inisip ko yung sarili ko nawala siya, pero bakit parang unfair kasi sa tuwing iniisip niya yung sarili niya hindi naman ako nawala? sa tuwing sinasaktan at binabaliwala niya ko hindi naman ako nawala? ewan ko, hindi ko alam. hindi ko na alam iisipin ko, hindi ko alam kung kasalanan ko ba o kung kasalanan pa din niya eh. ewan ko naguguluhan ako. kaya dn kasi dumating sa point na nabaliwala ko siya kasi alam mo yun, lagi niya kong bnabaliwala dte, lge niya kong tnatake for granted, lagi niya kong napagsasalitaan ng masakit, lagi na siyang nagsisinungaling, hindi niya ko na-aappreciate,iniiwan niya ko somewhere kapag naiinis or nagagalit siya sakin. pinaramdam niyang option o second choice lang ako, hindi na siya nag eeffort, yung parang tnetext niya lang ako kpag bored siya. dumating sa point na hindi na niya naparamdam na mahalaga ko or even mahal niya ko. yung parang hindi na siya proud sakin sa una lang siya sweet. yung pinaka hindi ko malilimutan yung pinalitan niya yung pangalan ng ex niya sa phone nya gnawa niyang pangalan  ng lalake for the sake lang na mkatext niya yun, ilang beses na niyang pinagtakpan yung ex niya para lang makatext niya, and at that very moment naramdaman kong kulang talaga ko na mas naiintindihan ngasiya nung ex niya, sinabi na niya sakin yun eh na mas naiintindihan siya nung ex niya ang sakit sakit na wala siyang gnawa para makabawi dun instead inulit niya pa ng madameng beses. hindi ko alam kung nagbago siya o mas nakilala ko lang siya pero sguro mas nakilala ko lang siya. dumating dn sa point na parang baliwala nalang sakanya yung mga special na araw dpat para samin. ang sakit kasi hanggang sa huli feeling ko one sided love lang yung nangyri :(( yung sakit na nararamdaman ko ngayon grabe hindi ko alam pero hindi ko kasi alam pano ko ilalabas lahat ng sama ng loob at galit ko eh, hindi ko alam kung ako ba talaga yung may kasalanan o siya o ewan. kasi alam mo yun parang ngayon sobrang okay siya kahit wala ako. ang sakit sakit pa din, yung tipong hindi ko alam kung paano ko papawalain yung sakit. I feel useless kasi parang sinasabi niya na wala akong ginawa sa buong relasyon namin na wala akong effort na ginawa, yung hanggang sa huli hindi siya naniniwalang mahal ko siya. bakit ganun? bakit ganyan siya? ang sakit gusto kong sumigaw sa sobrang sakit gusto kong magkulong nalang dito sa kwarto ko umiyak ng umiyak sa sobrang bigat ng pakiramdam ko sa sobrang walang madadamayan. gusto ko ifast forward lahat sa time na nakapag move on na ko kasi swear hirap na hirap na ko yung feeling nagusto ko ng ma-comatose para lang mkapag pahinga para lang makita kung mahalaga pa ba ko sakanya yung feeling na gusto ko ng magpakamatay. :(( God help me please :(