what do you thing about my blog?

Wednesday, 25 March 2015

Roller coaster Ride

Here I go again, writing some senseless blog for a certain individual who doesn’t care enough to read my post. A certain individual who’s been the particular subject of my previous posts, it’s really tiring you know? Feeling the same shit over and over again, thinking about the same thoughts that you had 3 years ago. When will this end?


Mag iisang taon na nung iniwan mo ko, iniwan para sa ex-girlfriend mo. Naaalala mo ba nung sinabi ko sayo dati na magiging kayo ulet? Kung gaano ka nagalit sakin tuwing ipinipilit ko yun? Parehas niyo pa kong kinakausap na hindi na mangyayari ulet yun. Minsan hindi ko alam kung matutuwa ba ko sa instinct ko o hindi eh, anyway to cut the story short nagging kayo ulet. Alalang alala ko pa yung text mo nun na “”OO MAHAL NA MAHAL KO SI (insert her full name here) AT MASAYANG MASAYA KO SAKANYA. WALA KANG KWENTA YOU WERE NEVER THERE FOR ME SIYA YUNG LAGING ANDIYAN PARA SAKIN KAYA MAKAKAALIS KA NA”” I still cringe whenever naaalala ko yun (oo hanggang ngayon) I never thought na there is this one person capable of hurting me this much, I could still remember nung nabasa ko yun iyak ako ng iyak na parang walang katapusan, I was longing for someone’s hug I wanted to cry so much and I wanted it to be in someone’s arms pero wala akong kasama nun. Nilakasan ko yung loob ko lumabas ako ng kwarto niyakap ko yung tatay ko na walang kamalay malay kung ano yung sakit na nararamdaman ng anak niya, kung ano yung nararamdaman ng anak niya kase never ako nag sabi sakanila. I saw my mom cried while looking at me in pain, crying my heart out, speaking in between sobs. That very day April 2014 my world fell apart, hindi ko alam hindi ko maexplain kung gaano kasakit kung gaano kalungkot parang panaginip lang lahat, hindi ko alam gagawin ko for months I’ve been crying myself to sleep, convincing myself that its over na hindi na kita mahal, na never ka nag exist sa buhay ko. Nag sounds ako gabi gabi para lang hindi ko maramdaman yung lungkot, para hindi ako marinig umiyak ng parents ko. Gabi gabi pinipilit kong matulog at masurvive yung sakit na nararamdaman ko habang ikaw masayang masaya habang ikaw walang pakielam kung may nasaktan ka, na may isang tao na umiiyak habang nagpapakasaya ka. And then one day I stopped crying, I stopped feeling I was numb I wasn’t happy but at least I’m not hurting anymore which is a good thing kase I’ve become very impatient waiting for that day to come. Sabi nga nila wala namang short cuts sa pag mmove on eh, there’s no easy way at sabi nga sa isa sa mga libro ni John Green “Pain demands to be felt” eventually kase matututunan mong mawalan ng pakielam eh you just have to endure the pain tapos masasanay ka na hanggang sa hindi ka na nabbother nung pain na yun. Finally I was okay, I was somehow healed January this year nung narealize ko na hind na talaga kita mahal na ready na kong makipag friends ulet, na kaya ko ng tingnan yung picture mo o yung account mo na hindi nasasaktan,kinakabahan at naiiyak. Sa medaling salita nagging friends tayo I was happy naman na kase may gusto kong iba so I don’t care anymore then you were telling me stories din regarding sa new crush which is okay lang since I’m not affected anymore. Then inaway mo ko kung anoano nanaman sinabi mo and I swear I wanted to strangle you with my own hands and kill you myself kase naman we were friends then kung awayin mo ko it’s like may something pa and all so I was mad I told you na let’s not be friends nalang since hindi namna talaga ganun yung turingan ng friends nagalit ka and you called me “crazy ex” wtf is wrong with you?! Anyway after how many days nagparamdam ka ulet and said you were sorry bla.bla. nung una ayoko pa talaga sobrang nakakapikon kase then I asked you questions na I was dying to know, inamin mo na  nung tayo pa hindi mo sinunod yung puso mo you were literally blocking me from your life kase ayaw mong masaktan kaya pag nag aaway tayo sinasagot sagot mo ko ayaw mo magpatalo you said you were wrong sa part nay un, and surprisingly naiyak ako, yes nasaktan ako want to know why? Naaalala mo ba yung mga panahong pinipilit ko sayo yung sarili ko? Yung kahit ang sakit sakit na nag sstay pa din ako kase naniniwala padin ako sa RA na nakilala ko nung una sa pagmamahal na meron ka para sakin. Yun nalang yung pinanghawakan ko kahit lahat na ng dahilan na meron ako ay para iwanan ka, sabi ko pa sa bestfriend ko “By, what if mahal pa niya ko? What if mahal naman talaga niya ko natatakot lang siya ipakita hindi niya lang mapakita. Ayoko mag move on kase pano pag bumalik siya tapos di niya ko maabutan? Kaya andto lang ang mag sstay lang ako” I even remember telling you na papasukin ako na please papasukin mo naman ako sa buhay mo bigyan mo naman ako ng pagkakataon, alam ko mahal mo ko hindi mo lang maamin sa sarili mo pero andiyan sa puso mo na mahal mo talaga ko. Pero binaliwala mo ko, binaliwala mo lahat lahat ng yon, pinili mong gamitin yung utak mo kahit mawala ako. Nag flashback lahat sakin yan kaya ako naiyak kaya ang sakit sakit sobrang sakit padin pala all this time tinatago ko lang pala yung sakit pero andun padin yung mga panahong pinipigilan kong umiyak yun pala yun. Eto pala yun. The day itself nagkita tayo nagpatulong ka sakin we were happy, I was happy and you said you were too. But then eto nanaman ako being my paranoid self pag hindi ka nagrereply and all. So nagdecide ako na lumayo na iwasan kung ano man yung nararamdaman ko kase takot na takot ako sayo, kase alam kong anytime kayang kaya mo durugin ulet ako kase alam ko na kapag nag give in ako the same yung ending, Unfair? Bakit? Wala akong nakikitang dahilan para maging unfair yung ginagawa ko. Ayoko lokohin yung sarili ko, ayoko ibato ulet yung sarili ko sa bangin na pinanggalingan ko ngayon pa lang nararamdaman ko na malapit na malapit na ko ulet mahulog sa bangin na yun, maaksidente, magkamali nanaman. Konting konti nalang mahuhulog na ko kaya umpisa palang sasagipin ko na yung sarili ko hangga’t maaga pa, hangga’t kaya ko pa, hangga’t may isang daliri pang nakakapit para lang hindi ako mahulog. Isang madilim na bangin na walang kasiguraduhan, isang bangin na hindi ko alam kung andun ka para saluhin ako? Para tingnan lang kung pano ko mahulog at pabayaan? O sasamahan mo ko tumalon sa isang bangin na walang kasiguraduhan pero pagtutulungan nating hanapin yung liwanag at gagamutin ang isa’t isa. Ang daming tanong, ang daming posibilidad pero isa lang yung sagot na sigurado ako, hindi na ko babalik sa pinanggalingan ko maaaring lumingon pa ko pero hindi na ko magkakamali i-risk yung buong pagkatao ko. Kaya eto ako ngayon lumalayo, bumangon at pinapagpag ang sarili. Sigurado na ko. Maaaring may part pa sakin na mahal ka pero hindi ne enough yun para isakripisyo ko ulet ang lahat. Maaaring idenial padin ako nung mga nakaraang buwan dahil nilalamon ako ng nakaraan ako, na nagging dahilan para magbago ako sa masamang paraan pero ngayon malinaw na ang lahat mahal pa kita. Pero hindi ko na gustong bumalik sayo, I don’t want to fight in a losing battle anymore. I’m done. We can’t and will never trust each other anymore, hindi na ulet maggrow at magiging komplikado nanaman ang sitwasyon siguro tama ngang minsan lang mag usap hindi lage, minsan lang magsama. Para walang masasaktan, we were never meant to be together but at least we were able to share good memories and lessons learned. You were by far my greatest love and heartbreak, always remember that, kala ko tatapusin ko tong blog na to ng galit o nasasaktan but I was wrong nung nakaabot ako sa ending gumaan yung pakiramdam ko at nalinawan ako. Ayoko na magtanim ng galit o sama ng loob, aaminin ko nagiging better ako para mapakita sayo na nagkamali ka kase sinaktan at iniwan mo ko pero wala namang nangyari hindi ba? Tsaka obviously mali yung paraan ko, magsisimula ako ng panibago, magiging better ako para sa sarili ko at para sa kinabukasan ko. Don’t worry never ko niregret yung love effort at sacrifices na ginawa ko. I’m letting you go without grudges, because now I know that I’m okay. Let me and this blog with my most favorite quote “”There are all kinds of love in this world, but never the same love twice””---Fitzgerald

Sunday, 3 August 2014

"Kapag nasaktan ng sobra sobra ang isang tao.." (c)escafeism.tumblr.com

  • Hindi na siya naniniwala sa forever, happily ever after at sa love.
  • Aakala niya kasi may mali sa kanya kaya babaguhin niya yung sarili niya, yung buong pagkatao niya.
  • Kapag nalaman niyang niloloko siya, hindi na siya mag e-effort na ayusin yung problema niyo.
  • Kapag iniwan siya ng boyfriend/girlfriend niya, hindi siya magmamakaawa/manglilimos ng pagmamahal
  • Kapag nararamdaman na niyang may mali na sa relasyon nila, tatahimik lang siya at maghihintay na matapos yung relasyon.
  • Sa sobrang sakit ng nararamdaman niya, nasanay na siya dito. Manhid na manhid na yung puso niya.
  • Trust issues. Yung tipong hindi na talaga siya naniniwala sa “goodness” ng isang tao. Tingin niya sa lahat eh sasaktan siya. 
  • Nagiging normal nalang sa kanya na hindi mo siya itext, na hindi ka nagpaparadam, na walang effort, na parang ordinaryong araw lang yung monthsary niyo.
  • Nawawalan na siya ng kumpyansa sa sarili. Na may may matinong tao pa jan na kayang magmahal ng totoo.

Wednesday, 18 June 2014

What ifs..

What if hindi kita minahal? Sino kaya ako ngayon?
What if hindi nalang kita nakilala? Nasaan kaya ako ngayon?
What if minahal nga kita pero hindi mahal na mahal na kahit saktan at iwan mo ko ayos lang wala akong pakielam, mas masaya kaya ako ngayon?
Ang daming what ifs. Ang daming nangyari, halos tatlong taon na kong nagpopost dito tungkol sayo dahil sayo kung tutuusin di nga halos eh kasi tatlong taon na nga talaga. bago ko magpost nito nag back read muna ko February 2012 yung una. Coincidence ba na pag nagpopost ako dahil nasasaktan mo ko dahil sayo? at isa o dalawa lang ata yung post na masaya ko dahil sayo? I'm not saying na hindi ako naging masaya, I'm just saying na maybe the pain was too much that I chose to express this pain through this just to take the pain away, and here I am again posting about the pain I'm feeling at this moment. No actually I don't even know kung nasasaktan ba ko or I guess I'm numb, but I still cry. I guess I just learned how to not dwell on the things that hurts me instead I try to look for things that would make me happy. Why do you have to be so unfair? Why can't you see the things that you've been doing to me? whenever my pasok it's like you're completely a different person, it's like you don't care kahit mawala ako. Bakit hindi mo ko maintindihan? Hanggang ngayon hindi mo pa din nakikita/nakita yung ginawa at ginagawa ko para sayo. This is not me, I don't settle for this kinds of things di ko hinahayaan na maging option ako. Natatandaan mo ba dati nung tinutulungan kita mag move on? sobrang alam ko na di mo alam kung sino samin pipiliin mo pero nagstay ako and after 2 and a half years ganun pa din yung set up. To think na naging kayo ulet pero sakin ayaw mo makipag commit. yes dumating yung time na gusto mo maging tayo ulet and yet nag last lang yun ng 4 hours kasi sinabi mo na mahal mo pa siya at di mo siya kaya mawala. Pinamuka mo sakin ng madaming beses kung gaano mo siya kmahal at kung gaano ka kasaya sakanya na wala akong kwenta pero nasaan ba ko sa tuwing bumabalik ka? sa tuwing namimiss mo ko nasaan ba ko? dumating sa point na nasaktan mo ko physically, naging option mo ko naghhintay ako sa isang bagay na walang kasiguraduhan pero di mo pdn ako pinili tapos the next day you realized na nagkamali ka you even told me na what if gawin mo lahat to bring us back together enough na ba yun? tinanggap kita ulet pero nagbago yung sitwasyon nagbago yung ikot ng mundo, nung tinanggap kita biglang ako na dapat yung bahala sayo kasi kailangan mo ng time kasi ganto ganyan. odi sige ako bahala di na ko nagsalita 1 to 2 days palang sumuko na ko alam mo kung bakit? kasi pakiramdam ko wala naman akong pinaglalaban, yung ako nga bahala sayo pero wala kang pakielam? mali bang ganun isipin ko? mali bang ganun maramdaman ko? alam mo yung nakakatakot? yung kahit gawin ko lahat sa bandang huli ako pa din yung di naging enough dahil sa flaws na meron ako. nagagalit ka kasi sabi mo di kita iniintindi, kasi nagagalit at napaparanoid ako lagi, kasi di ko kayang ikeep yung mga sinabi ko, kasi di ko manlang naisip yung nararamdaman mo. RA ikaw ba kahit minsan kinamusta mo ko? Naisip mo yung nararamdaman ko? sa tuwing sasabihin mo ba sakin na mahal mo siya at di mo kayang mawala siya naisip mo mararamdaman ko? Sa tuwing pinagsasalitaan mo ba ko ng masama naiisip mo nararamdaman ko? sa tuwing gumagawa ka ng mga bagay na alam mong ikakagalit ko at masasaktan ako naiisip mo ba ko? Kahit kelan ba nakita mo yung mga ginawa ko? Did you even say thank you? o kahit manlang magsorry ka o sabihin sakin na sorry di ko sinasadyang maramdaman mo na binabaliwala kita etc. have you even tried na sabihin yun ng mahinahon? Sa tuwing bumabalik ka at tatanggapin kita naisip mo ba lahat ng bagay na isasakripisyo ko para sayo? Sa tuwing kakausapin at lalambingin kita naisip mo ba lahat ng pain at galit na isset aside ko para lang di ka mawala sa buhay ko? Nakita mo ba kung gano kitang hindi kayang tiisin? Nakita mo ba kung gaano ako nagpakababa na nakipag away ako para sayo? I don't usually do that but I did? for you. Nakita mo ba yun? Nakita mo ba na nasasaktan ako kasi alam kong anytime kayang kaya mo bumalik sakanya kasi pag naging kayo walang complications lalo na pagdating sa mga kaibigan mo? Nakita mo ba lahat ng hirap ko? lahat ng luha at sakit na tiniis ko lahat ng masasakit na salita galing sayo lahat ng mga bagay na tinawag mo sakin pero at the end nasan ba ko sa tuwing namimiss mo ko at kakausapin mo ko ulet? Nakita mo ba yung nararamdaman ko? Kinailangan kita para mawala yung sakit na naramdaman ko dahil sayo pero nasan ka? ayun commited sa iba. Nasan ka nung umiiyak ako? nung mag isa lang ako? Nasan ka? Putanginanaman tapos sa bandang huli ako pa din yung di enough, ako pa din yung walang kwenta putangina. Nagsisisi ba kong minahal kita? Hindi siguro. Kasi dahil dito natuto ako maging matatag, natuto akong ipaglaban yung taong mahal ko natuto akong magmahal ng higit pa sa inaakala ko. Tama na sigurong pakawalan kita, pagsisihan ko man pero yun na yung dapat kong gawin, mahal pa kita sobrang mahal na mahal pa kita pero hindi ko na kayang ipaglaban pa. You were by far the person I loved the most but this has come to an end. But will I take you back? I don't  know. I loved you way too much to let go but this isn't good for me anymore. I love you, now I loved you. Goodbye.

Do you know why she's perfect for you?

She is worth a try. Maybe she’s not physically perfect. Maybe she’s not emotionally stable. Maybe she’s a hard headed person. Maybe she becomes paranoid whenever you’re not sending her any messages. Maybe she can get easily jealous whenever she sees you with other girls. But do you know what keeps her beautiful? Do you know what keeps her become that perfect for you? Its the way she loves you. The way she cares for you. The way she adores you. And the way she becomes who she really is whenever you are around her.

(c)tumblr <3 <3

Thursday, 7 November 2013

Naranasan mo nabang maging tulad ni POPOY ? (Repost from tumblr)



  • Isang popoy na nagmahal ng sobra, na binigay lahat lahat lahat ng kaya mong ibigay, na binuhos ang lahat para sakanya at plinano mo na ang future mo kasama siya pero iniwan ka padin niya.
  • Yung popoy na walang ginusto kundi ung makakabuti para sayo, yung ikaw yung prioridad pero hindi niya nakita yun
  • Nung iniwan ka niya nasira ang buhay mo. araw araw ka kung magyaya ng inuman, at inistalk ang basha ng buhay mo.,
  • Nagpakatanga para sakanya, sinabi mo na din “kapag nahospital ako, kapag nalaman niya na may sakit ako baka sakaling magalalala siya at puntahan at kausapin na niya ko”
  •  Lahat na ng lugar at bagay siya naaalala mo at bigla ka nalang maiiyak.
  • Gusto mo siyang makausap pero pinaparamdam niya sayo na hindi kana tlaga niya gusto na parang binalewala na niya lahat ng pinagdaan niyo.
  • Nawalan ka na ng gana sa buhay mo, gusto mo lang magkulong sa kwarto wala kang pakelam sa lahat ng bagay maliban lang pag yung mahal mo na ang nabangit at pinagusapan.
Bakit iniwan ang isang tulad ni popoy ? iniwan kasi overprotective at masyado mo siyang minahal, Sabi nga nila lahat ng sobra ay mali. Hindi na sure sa nararamdaman niya dahil masyado mo pinaramdam na siya ang kaligayahan mo at saknya mo gusto igugol ang oras at panahon mo, Masyado naging attached, kaya lahat na pinagselosan. kaya siguro nagsawa na siya,nasasakal siya. Mali ba talaga maging isang popoy pagdating sa pagibig?

Monday, 28 October 2013

Frustratingg

you know what's hard? knowing that you gave everything single thing to the person you truly love and at the end, you would take all the blame. in the end, you were the one who didn't do everything, you were the bad guy, and everything would be all your fault.

Sa sobrang dami niyang sinumbat sakin may mga bagay na sobra akong nasaktan na hanggang ngayon dala dala ko. yun ay yung sinabi niya na I was never there for her. Akala ko kasi, akala ko ginawa ko lahat lahat. just to be with her, so that she wouldn't feel alone. I sacrificed everything, I rejected each and one of my friends just to be with her, lahat ginawa ko masamahan lang siya, hindi ako papasok ng klase ko fine. basta makasama ko lang siya. on the way na ko sa lakad ko pag nagtxt siya na gusto niya ko makasama fine I'll cancel it just to be with her. just for her to feel that I'm right beside her. that I will never ever feel that she's alone in this relationship. Ganun ko siya kamahal, na lahat gagawin ko makasama lang siya. Gusto ko siyang sumbatan gusto kong isumbat sakanya lahat ng ginawa ko pero hindi eh mali pa din kasi ginusto kong gawin yung mga gnawa ko para sakanya. Gusto ko isigaw sakanya na Ikaw! oo ikaw ang wala sa tabi ko sa tuwing kailangan kita! ikaw yung laging busy sa mga kaibigan mo pag gusto kitang kasama! tapos sasabihin mo ako yung wala sa tabi mo ?! ako pa yung di nakakaintindi sayo! This is really frustrating. as much as possible ayoko magalit habang ginawa ko tong blog na to. Akala ko kasi nagawa ko na lahat eh akala ko sapat na yung binigay ko. Simula't sapul kahit ginawa niya kong option, nung hindi na siya binalikan nung ex niya andun ako ulit para sakanya. enough with the past ayoko na alalahanin lahat, and it doesn't even matter anyway. I feel like shit you know? I've been feeling like shit for almost 7 months. Everything's falling apart in my life. feeling ko wala akong ginawang tama. I feel like shit kasi hindi ko pala napatunayan yung sarili ko na mas better ako sa isang tao, na mas deserving ako, na kaya ko siyang mahalin higit sa gnawa nung ex niya. pero at the end, I ended up with nothing, at the end ako pa din yung nagkulang, at the end ako pa din yung masama. tapos ngayon eto, eto ako pinapanuod siya maging masaya sa ibang tao. kay Gwenn na pinagselosan ko dati yung bngyan niya ng red velvet and FTW yung selos na yun yung naging dahilan kung bakit hndi na siya nag effort sakin. and that was before our 4th month. tapos si nicole, na pinagselosan ko kasi sobrang protective siya sakanya ngayon hay. :( and lastly yung ex niya ni hindi ko mabanggit yung pangalan niya. na dati natatakot lang ako na baka maging okay sila at makalimutan niya ko ngayon, siya na yung inaalagaan, pinapasaya, at nkkasama ng taong minahal ko ng sobra. siya yung tao na sinusubukan kong mahigitan sa buhay niya, pero nabigo ako. Yung labang sinimulan ko more than a year ago, yung taong pinaglaban ko sa buong mundo, yung taong pinaglaban ko kahit na sa sarili ko. ay isa sa mga taong nasa likod ng pagkatalo ko. (wow that was very poetic lol) Natalo ako, sa laban na akala ko kayang kong ipanalo kahit dumating sa puntong ako nalang yung lumalaban.Tinanggap ko eh, lahat lahat lahat ng masasakit na sinabi sakin ng bestfriend niya? ng mga kaibigan niya? lahat yun tinanggap ko, binaliwala ko, at kahit papano sinusubukan kong tanggapin lahat ng sakit na natanggap ko mula sakanya, sa nag iisang tao na AKALA ko hinding hindi ako magagawang husgahan, mula dun sa nag iisang tao na akala ko kaya kong ipaglaban. kaya ako nahihirapan ng ganito. Kasi umasa ko eh. Maaring sabihin niya na never akong naniwala. Pero naniwala ako dun sa taong nakilala ko. Nagkamali ba ko? simula pa lang naman alam kong mali na eh, pero it was the sweetest mistake I've ever committed. but I guess the feeling was never mutual. Sabi nila paano ko nakakaya? Na kahit ilang beses ko marinig na never niyang masusuklian yung pagmamahal na bnbgay ko sakanya, andun pa din ako sa tuwing mag ttxt siya, sa tuwing ipaparamdam niya sakin yung pag mmhal niya. bumabalik ako saknya. sa mga kamay niya. sumusuko pa din ako sa pagkalinga niya. Na kahit anong sakit isasangtabi ko para lang hndi siya mawala. Minsan naiisip ko naaalala pa kaya nya yun? yung mga bagay na ginawa ko para sakanya.yung kahit grabe na yung kasalanan andun padin ako maaring may msbi akong mga bagay na dala ng emosyon ko noon pero andun pa din ako para sakanya para tanggapin siya para mahalin siya. Naiisip ko kung naaalala niya ba lahat ng yun o mas nananaig yung kasalanan ko ang lahat lahat. Simula nung break up na yun feeling ko wala na kong gnawang mabuti, feeling ko napakasama kong tao. Feeling ko I deserve all the pain I'm feeling right now. Akala ko kasi eh akala ko nabgay ko lahat, akala ko nasatisfy ko siya. I could still feel pain. and most especially frustration. I have conquered alot of things for her, kahit alam mo yun, kahit hndi niya alam kahit hndi niya nakikita kasi ganun ko siya kamahal eh. tapos sa bandang huli ako yung kakamuhian niya, ako yung masamang tao, ako yung makapal ang muka. For almost 7 months I've been struggling with this pain, some might know that I'm in pain but no one will ever know what it feels like. I've been judged, because of this pain. Ako pa nga yung masama kapag nagsasabi ako. I just don't know what to do anymore. There might be an easy way, but I chose to suffer. why? because if this means I could prove to her that I keep my promises it'll be better off this way. Pero ganun pa din pala. masama pa din pala ko. She even pushed me to give her up to give everything up. kasi hindi na niya ko mahal kasi hindi na siya babalik, I really thought may mas sasakit pa sa pagkasabi niya na ay iba na siyang mahal. mas masakit pala yung marinig mula sa taong mahal mo ng sobra na hndi ka na niya mahal at hndi na siya babalik sayo. Nagtataka na nga din ako kung pano ko nasusurvive ang isang araw eh.

Alam kong ako lang nakakaintndi sa sakit na nararamdaman ko, hindi ko naman hiniling na intndhn niyo eh. pero sana sa mga makakabasa nito kung wala kayong magandang sasabihin tumahimik nalang kayo. It would be much better. I'veheard enough judgments kotang kota na nga ako. Toodles.

xo,
Kimy

Monday, 14 October 2013

Akala..

alam mo yung feeling na ano, na mahal mo pa siya. galit na galit ka pa sakanya nung di pa kayo nag uusap kasi ginanto ka niya kasi ginanyan ka niya, kasi wala siya nung mga panahong kailangan mo siya kasi nkalimutan ka niya agad, kasi hndi ka na niya mahal kasi ganto kasi ganyan. inaassume mo pa nga na may bago na yun may iba na yung mahal hndi na babalik yun. hanggang sa isang araw nagparamdam ulet siya tapos wala pa siyang sinasabi napatawad mo na siya agad, wala pa siyang ginagawa, wala na agad yung galit mo. wala pang nangyayari okay kn. Tapos nag lakas loob kang kamustahin siya kahit alam mo na yung sagot na okay siya, na okay na siya kahit wala ka, na masaya na siya, na nakapag move on na siya. tinanong ka nung kaibigan mo kung bakit kailangan mo pa malaman yun, eh dati naman naipamuka at naiparamdam na niya sayo yun? sabi mo lang siguro kasi pag saknya nanggaling yun yung way para makawala ako, mapalaya at mapush ako. baka pag sakanya nanggaling matauhan na ko. tapos naglakas loob ka pang itanong sakanya kung may iba na ba siya tapos nakuha mo na yung sagot na nakapag paguho sa mundo mo na meron na nga siyang bago, nung nalaman mo yun para bang tumigil yung puso mo, para bang nawala yung paghinga mo, parang andun lang andun lang yung sakit hndi nawawala hndi lumalabas hindi nababawasan. at wala ka ng ibang nagawa kundi sabihin sakanya na masaya ka para sakanya samantalang ikaw eto miserable p din gabi gabi pa din umiiyak at nasasaktan, samantalang ikaw hanggang ngayon hndi mo pa din magawang mag move on at magmahal ng iba samantalang ang dami dami ng gusto mahalin at pasayahin ka kasi alam mo sa sarili mo na hanggang ngayon siya pa din, hanggang ngayon mahal mo pa din siya hanggang ngayon masakit pa din. pero hndi na dapat kailangan ko ng maging matatag, kahit ang sakit sakit pa din. kinailangan mo pa mag sinungaling na nakapag move on ka na kasi ayaw mong makasira sakanila. na masaya kasi masaya na siya, na okay ka na kasi okay na siya. sabi nila time heals all wounds, pero bakit eto 6months na pero ganun pa din yung sakit? pero bakit di pa din nawawala? akala ko okay na ko, akala ko hindi ko na siya mahal, akala ko galit na galit pa ko sakanya, akala ko kapag nag usap kami wala na, akala ko kaya kong hndi umiyak, akala ko kahit makita ko yung tweets niya para sa taong mahal niya hindi na ko masasaktan pero bakit hanggang ngayon umiiyak ako? bakit hanggang ngayon ang sakit sakit? may karapatan naman siya maging masaya eh pero bakit ako parang wala?  ang sakit sakit pa din eh, kasi putang ina hanggang ngayon mahal na mahal ko pa din siya :( pero ako, ako, parte nalang ng nakaraan niya. ako, na dating mahal na mahal niya eh wala nalang sakanya ngayon kasi may iba na siyang mahal, may iba na siyang gusto, ang sakit eh ang sakit sakit sobrang sakit. sabi nga nila pag mahal mo yung isang tao you have to set them free. kailangan suportahan mo sila kung saan sila masaya kahit hindi sayo yun. kahit hindi na ikaw yung nakakapag pasaya sakanya. magiging okay din ako. magiging masaya din ako. hindi man ngayon pero alam ko sa takdang panahon. :(