Here I go again, writing some senseless blog for a certain
individual who doesn’t care enough to read my post. A certain individual who’s
been the particular subject of my previous posts, it’s really tiring you know?
Feeling the same shit over and over again, thinking about the same thoughts
that you had 3 years ago. When will this end?
Mag iisang taon na nung iniwan mo ko, iniwan para sa
ex-girlfriend mo. Naaalala mo ba nung sinabi ko sayo dati na magiging kayo
ulet? Kung gaano ka nagalit sakin tuwing ipinipilit ko yun? Parehas niyo pa
kong kinakausap na hindi na mangyayari ulet yun. Minsan hindi ko alam kung
matutuwa ba ko sa instinct ko o hindi eh, anyway to cut the story short nagging
kayo ulet. Alalang alala ko pa yung text mo nun na “”OO MAHAL NA MAHAL KO SI
(insert her full name here) AT MASAYANG MASAYA KO SAKANYA. WALA KANG KWENTA YOU
WERE NEVER THERE FOR ME SIYA YUNG LAGING ANDIYAN PARA SAKIN KAYA MAKAKAALIS KA
NA”” I still cringe whenever naaalala ko yun (oo hanggang ngayon) I never
thought na there is this one person capable of hurting me this much, I could
still remember nung nabasa ko yun iyak ako ng iyak na parang walang katapusan,
I was longing for someone’s hug I wanted to cry so much and I wanted it to be
in someone’s arms pero wala akong kasama nun. Nilakasan ko yung loob ko lumabas
ako ng kwarto niyakap ko yung tatay ko na walang kamalay malay kung ano yung
sakit na nararamdaman ng anak niya, kung ano yung nararamdaman ng anak niya
kase never ako nag sabi sakanila. I saw my mom cried while looking at me in pain,
crying my heart out, speaking in between sobs. That very day April 2014 my
world fell apart, hindi ko alam hindi ko maexplain kung gaano kasakit kung
gaano kalungkot parang panaginip lang lahat, hindi ko alam gagawin ko for
months I’ve been crying myself to sleep, convincing myself that its over na
hindi na kita mahal, na never ka nag exist sa buhay ko. Nag sounds ako gabi
gabi para lang hindi ko maramdaman yung lungkot, para hindi ako marinig umiyak
ng parents ko. Gabi gabi pinipilit kong matulog at masurvive yung sakit na
nararamdaman ko habang ikaw masayang masaya habang ikaw walang pakielam kung
may nasaktan ka, na may isang tao na umiiyak habang nagpapakasaya ka. And then
one day I stopped crying, I stopped feeling I was numb I wasn’t happy but at
least I’m not hurting anymore which is a good thing kase I’ve become very
impatient waiting for that day to come. Sabi nga nila wala namang short cuts sa
pag mmove on eh, there’s no easy way at sabi nga sa isa sa mga libro ni John
Green “Pain demands to be felt” eventually kase matututunan mong mawalan ng
pakielam eh you just have to endure the pain tapos masasanay ka na hanggang sa
hindi ka na nabbother nung pain na yun. Finally I was okay, I was somehow
healed January this year nung narealize ko na hind na talaga kita mahal na
ready na kong makipag friends ulet, na kaya ko ng tingnan yung picture mo o
yung account mo na hindi nasasaktan,kinakabahan at naiiyak. Sa medaling salita
nagging friends tayo I was happy naman na kase may gusto kong iba so I don’t
care anymore then you were telling me stories din regarding sa new crush which
is okay lang since I’m not affected anymore. Then inaway mo ko kung anoano
nanaman sinabi mo and I swear I wanted to strangle you with my own hands and
kill you myself kase naman we were friends then kung awayin mo ko it’s like may
something pa and all so I was mad I told you na let’s not be friends nalang
since hindi namna talaga ganun yung turingan ng friends nagalit ka and you
called me “crazy ex” wtf is wrong with you?! Anyway after how many days
nagparamdam ka ulet and said you were sorry bla.bla. nung una ayoko pa talaga
sobrang nakakapikon kase then I asked you questions na I was dying to know,
inamin mo na nung tayo pa hindi mo
sinunod yung puso mo you were literally blocking me from your life kase ayaw
mong masaktan kaya pag nag aaway tayo sinasagot sagot mo ko ayaw mo magpatalo
you said you were wrong sa part nay un, and surprisingly naiyak ako, yes
nasaktan ako want to know why? Naaalala mo ba yung mga panahong pinipilit ko
sayo yung sarili ko? Yung kahit ang sakit sakit na nag sstay pa din ako kase
naniniwala padin ako sa RA na nakilala ko nung una sa pagmamahal na meron ka
para sakin. Yun nalang yung pinanghawakan ko kahit lahat na ng dahilan na meron
ako ay para iwanan ka, sabi ko pa sa bestfriend ko “By, what if mahal pa niya
ko? What if mahal naman talaga niya ko natatakot lang siya ipakita hindi niya
lang mapakita. Ayoko mag move on kase pano pag bumalik siya tapos di niya ko
maabutan? Kaya andto lang ang mag sstay lang ako” I even remember telling you
na papasukin ako na please papasukin mo naman ako sa buhay mo bigyan mo naman
ako ng pagkakataon, alam ko mahal mo ko hindi mo lang maamin sa sarili mo pero
andiyan sa puso mo na mahal mo talaga ko. Pero binaliwala mo ko, binaliwala mo
lahat lahat ng yon, pinili mong gamitin yung utak mo kahit mawala ako. Nag
flashback lahat sakin yan kaya ako naiyak kaya ang sakit sakit sobrang sakit
padin pala all this time tinatago ko lang pala yung sakit pero andun padin yung
mga panahong pinipigilan kong umiyak yun pala yun. Eto pala yun. The day itself
nagkita tayo nagpatulong ka sakin we were happy, I was happy and you said you
were too. But then eto nanaman ako being my paranoid self pag hindi ka
nagrereply and all. So nagdecide ako na lumayo na iwasan kung ano man yung
nararamdaman ko kase takot na takot ako sayo, kase alam kong anytime kayang
kaya mo durugin ulet ako kase alam ko na kapag nag give in ako the same yung
ending, Unfair? Bakit? Wala akong nakikitang dahilan para maging unfair yung
ginagawa ko. Ayoko lokohin yung sarili ko, ayoko ibato ulet yung sarili ko sa
bangin na pinanggalingan ko ngayon pa lang nararamdaman ko na malapit na
malapit na ko ulet mahulog sa bangin na yun, maaksidente, magkamali nanaman.
Konting konti nalang mahuhulog na ko kaya umpisa palang sasagipin ko na yung
sarili ko hangga’t maaga pa, hangga’t kaya ko pa, hangga’t may isang daliri
pang nakakapit para lang hindi ako mahulog. Isang madilim na bangin na walang
kasiguraduhan, isang bangin na hindi ko alam kung andun ka para saluhin ako?
Para tingnan lang kung pano ko mahulog at pabayaan? O sasamahan mo ko tumalon
sa isang bangin na walang kasiguraduhan pero pagtutulungan nating hanapin yung
liwanag at gagamutin ang isa’t isa. Ang daming tanong, ang daming posibilidad
pero isa lang yung sagot na sigurado ako, hindi na ko babalik sa pinanggalingan
ko maaaring lumingon pa ko pero hindi na ko magkakamali i-risk yung buong
pagkatao ko. Kaya eto ako ngayon lumalayo, bumangon at pinapagpag ang sarili.
Sigurado na ko. Maaaring may part pa sakin na mahal ka pero hindi ne enough yun
para isakripisyo ko ulet ang lahat. Maaaring idenial padin ako nung mga
nakaraang buwan dahil nilalamon ako ng nakaraan ako, na nagging dahilan para
magbago ako sa masamang paraan pero ngayon malinaw na ang lahat mahal pa kita.
Pero hindi ko na gustong bumalik sayo, I don’t want to fight in a losing battle
anymore. I’m done. We can’t and will never trust each other anymore, hindi na
ulet maggrow at magiging komplikado nanaman ang sitwasyon siguro tama ngang
minsan lang mag usap hindi lage, minsan lang magsama. Para walang masasaktan,
we were never meant to be together but at least we were able to share good
memories and lessons learned. You were by far my greatest love and heartbreak,
always remember that, kala ko tatapusin ko tong blog na to ng galit o
nasasaktan but I was wrong nung nakaabot ako sa ending gumaan yung pakiramdam
ko at nalinawan ako. Ayoko na magtanim ng galit o sama ng loob, aaminin ko
nagiging better ako para mapakita sayo na nagkamali ka kase sinaktan at iniwan
mo ko pero wala namang nangyari hindi ba? Tsaka obviously mali yung paraan ko,
magsisimula ako ng panibago, magiging better ako para sa sarili ko at para sa
kinabukasan ko. Don’t worry never ko niregret yung love effort at sacrifices na
ginawa ko. I’m letting you go without grudges, because now I know that I’m
okay. Let me and this blog with my most favorite quote “”There are all kinds of
love in this world, but never the same love twice””---Fitzgerald