what do you thing about my blog?

Saturday, 21 April 2012

asdfghjkl..

 Ang pag-ibig ay tila nga nakakatuwa sa pakiramdam kung minsan masaya, minsan naman ay malungkot at masakit. Pero.. bakit nga ba nagiging masakit ito? kasalanan ba ito ng iisang tao? o ikaw mismo ang may kasalanan at may kagagawan kung bakit nagiging masakit ito?

Ang isang relasyon nag sisimula yan sa pagtitinginan pakikipag kilala at pagkakagustuhan. Sa umpisa masaya, nagkakaunawaan at nagbibigayan, tila na ba na sa inyong dalawa na lamang umikot ang mundo kilig dito kilig doon, magdamag nag sasabihan ng mga katagang 'mahal kita' kung minsan nga'y pinagtatalunan pa kung sino ang mas mahal ng bawat isa. At habang tumatagal unit-unti niyo ng nakilala ang bawat isa. May pagkakataon ding mag aaway kayo, magkakasakitan at makakapag sabi ng mga bagay na hindi natin sinasadya at ito ay makaka apekto sa isang maganda at mabuting relasyon. Minsan kapag lagi nalang nag aaway eh nakakalimutan na kung ano nga ba kayo, kung pano kayo nag simula at kung bakit pinahalagahan mo ang taong iyon, kung bakit mo siya pinili para pagtuunan ng pansin at paglaanan ng pag mamahal. Paano na lamang kung isa sainyo ay matukso, o sabihin na nating nalihis ang daan? Nakakita ng taong mas nakakaintindi sakanya dahil puro nalamang kayo away at pagdududa. Pano kung nag simula na siyang mag sinungaling sayo? kokomprontahin mo ba siya o hahayaan nalang dahil mahal mo? Paano kung alam mo na sa sarili mo na hindi na totoo yung mga palusot niya sayo, na kahit anong pilit mo sakanya na sabihin ang kaotohanan ay patuloy parin siyang nag sisinungaling sayo? Maninwala ka pa ba? o Iiwan mo nalang siya? Kung paulit ulit ka nalang nasasaktan at umiiyak dahil sa mga kasalanan niya papatawarin mo pa ba siya? Kung sakali mang humingi siya ng isa pang pagkakataon mapag bibigyan mo kaya?

Sa mga ganitong sitwasyon maiisip mo pa kaya yung nararamdaman mo para sakanya? maiisip mo pa kaya na mahal na mahal mo siya kaya hindi ka mapapagod kahit patawarin mo siya ng paulit ulit kahit yung ginagawa niya paulit ulit nalang din sige okay lang lagi nalang okay lang kasi masaya ka eh kasi okay naman kayo kahit alam mong may iba siya hindi parin naman siya nag kulang sayo, minsan naisip mo katangahan nalang ba 'to? o pag mamahal pa din? Ipaglalaban mo pa din kasi eto yung gusto mo eh, yung ito yung unang beses na pinaglaban mo kung ano yung gusto mo, kung ano yung makakapagpasaya sayo. Pero pano kung hindi na pala ikaw yung nakakapag pasaya sakanya? iba na pala yung nasa lugar mo dati sa buhay niya? ipaglalaban mo pa ba? o susuko ka na? Minsan may mga desisyon kang gagawin ng hindi mo iniisip yung sarili mo, yung tipong okay lang kahit masakit okay lang kahit iba na yung nakakapag pasaya sakanya basta ikaw andito ka pa din para sakanya para pasayahin siya hindi man katulad nung dati pero susubukan mo din baka sakaling bumalik yung taong minahal mo yung taong sumusuporta sayo, gumagabay sayo at nag pprotekta sayo, lahat gagawin mo para kung sakali mang iwan siya o hindi siya mahalin nung taong mahal niya ngayon ay andyan ka parin para sakanya. Kahit masakit, kahit mag mukang tanga, kahit parang nalilimos ka ng pag mamahal niya at ng oras niya okay lang kahit pinapamuka na niya sayo na hindi na ikaw yung mahal niya o yung gusto niya okay lang mahal mo eh ipag lalaban mo. Nagbabakasakali kang magiging okay din ang lahat, mamahalin ka din niya ng buo, darating din ang oras na maipaglalaban ka niya at mapapatunayan niya na ang sinabi niya sayo nung una na mahal na mahal ka niya, at pagkatapos nun maipagpapatuloy niyo na ang isang relasyon na inumpisahan niyo ng magkasama ng masaya at may pagkakaindihan. Pero kelan yun? kelan darating yung araw na yun? kahit patuloy kang umaasa alam mong hindi na darating yun kasi kahit kailan hindi ka niya natutunang mahalin, kasi kahit kailan ang tanging gusto lang niyang mangyari ay paglaruan ka at gawing panakip butas :(

haaay.. pag ibig nga naman..

----
"medyo magulo ewan magulo yung utak ko eh pasensya ^^ "